Face-to-face classes sa Malabon suspendido

MANILA, Philippines — Inihayag ng Malabon LGU na suspendido ngayong araw ang face-to-face classes mula Kinder hanggang Grade 12 at Alternative Learning System (ALS) sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.
Kailangan na munang linisin ang mga paaralan na ginamit bilang evacuation center.
Halos isang linggo ring ginamit na evacuation centers ang mga paaralan ng mga naapektuhang pamilya bunsod ng bagyong Crising at Habagat.
Gayunman, magpapatuloy ang klase sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM).
Ipinauubaya naman sa mga private schools ang suspension ng face-to-face classes.
- Latest
















