P121 milyong pekeng iPhone, gadgets nakumpiska sa raid
MANILA, Philippines — Aabot sa higit P121 milyong halaga ng mga pekeng cellphone at mga gadgets ang nakumpiska ng mga tauhan ng Crimininal Investigation and Detection Group (CIDG) mula sa dalawang suspek sa isinagawang raid sa Parañaque City.
Sa report na tinanggap ni CIDG chief PBGen. Romeo Macapaz, sina alyas “Crissa” at alyas “Charles”, ay binitbit sa aktong nagbebenta ng mga pekeng iPhones, Apple Watches at iba pang mga cellphones accessories sa isang residential compound in Brgy. Tambo.
Nakatanggap ng intelligence reports ang CIDG hinggil sa illegal business activities ng mga suspek kaya ikinasa ang raid. Bigo rin ang mga ito na makapagpakita ng clearances mula sa National Telecommunications Commission (NTC) at walang registration mula sa Department of Trade and Industry (DTI).
Kabilang sa mga nakuha sa raid ay 225 Apple Watches, 531 MagSafe chargers,4,580 AirPods, 2,652 charger adaptors, 6,664 charger sets, 1,033 iPhone accessories, 1,740 charging cords, 126 Beats Solo headphones, 70 car chargers, 87 handheld fans,77 hair dryers, 110 earphones at isang iPhone 16 unit
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Consumer Act of the Philippines (RA7394).
- Latest



















