Baha na kulay gatas rumagasa sa Malabon

MANILA, Philippines — Nagulantang ang mga residente matapos na rumagasa ang kulay puting baha na mistulang gatas sa Malabon City nitong Sabado sa kasagsagan ng malalakas na pagbuhos ng ulan na dala ng bagyong Crising na pinalala ng habagat.
Sa report, alas-9:00 ng umaga nang dumaloy ang kulay puting baha sa Brgy. San Agustin ng lungsod na labis na ikinabahala ng mga residente dito.
Ayon sa pahayag ng mga residente, parang gluta ang umagos na baha sa kanilang lugar at walang maitim na tubig baha kung saan ang insidente ay kaunaunahan umano sa loob ng ilang taon nilang paninirahan sa lungsod.
Gayunman, makalipas ang tatlong oras ay unti-unti nang nawala na ang bahang kulay gatas sa nasabing lugar.
Nakatakdang paimbestigahan ng Malabon City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa Health Department ng lungsod kung saan nagmula ang baha at kung delikado ito sa kalusugan ng tao.
- Latest
















