^

Metro

‘Abortionist’ huli sa ‘DIY’ abortion kit

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
‘Abortionist’ huli sa ‘DIY’ abortion kit
Ang babaeng suspek na hindi lisensyado na magbenta ng medisina ay dinakip sa entrapment operation noong Hulyo 14, 2025 ng mga ahente ng NBI Dangerous Drugs Division, sa Maynila.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Laglag sa mga opera­tiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang ‘abortionist’ nang magbenta sa online ng abortion pills sa nagpanggap na buyer sa Makati, at natunton sa Maynila nang ituro ng delivery rider, iniulat kahapon.

Ang babaeng suspek na hindi lisensyado na magbenta ng medisina ay dinakip sa entrapment operation noong Hulyo 14, 2025 ng mga ahente ng NBI Dangerous Drugs Division, sa Maynila.

Nang madiskubre ang online selling ng suspek, agad ikinasa ang entrapment, ani NBI Dangerous Drugs Division chief, Jonathan Galicia.

Apat na klase ng abortion pills ang nasamsam na tinawag ng NBI bilang “do-it-yourself” abortion kit with instructions dahil hindi na aniya, kailangan pa ng medical supervision.

May inalabas na aniyang, advisory ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa paggamit ng nasabing mga gamot.

Nahaharap na sa reklamong paglabag sa Food and Drug Administration (FDA) law, Cybercrime Prevention Act, Pharmacy Law ang nadakip na suspek.

LUDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with