Pasig RTC Judges may death threats - SC

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Korte Suprema na nakatanggap ng pagbabanta ang mga hukom ng Pasig Regional Trial Court sa pamamagitan ng ipinadala sa email nitong Miyerkules ng umaga, Hulyo 16.
Ayon kay Supreme Court (SC) spokesperson Camille Ting, ini-imbestigahan na nila ang mga banta at nakipag-ugnayan na sa law enforcement authorities para matukoy ang nasa likod ng online threats laban sa mga huwes at kung ano ang posibleng motibo o dahilan.
Hindi na binanggit ng SC kung sinu-sinong judge ang target sa pagbabanta at sa halip ay naglatag na sila ng mahigpit na seguridad upang mapangalagaan ang mga hukom, court personnel at mga nagtutungo sa korte.
Gayunman, tiniyak ng SC na magpapatuloy pa rin ang mga hukom sa pagtupad sa kanilang tungkulin sa kabila ng pagbabanta.
“We urge the public and all concerned stakeholders to remain vigilant and continue supporting the judicial process with trust and respect,” dagdag pa ng SC.
- Latest
















