^

Metro

Pinay na may bitbit na P1.2 milyong hinarang sa NAIA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Hindi deklarado

MANILA, Philippines — Isang babaeng pasahero na patungong Hong Kong na may bitbit na P1.2 milyon na hindi deklarado ang  hinarang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Sabado sa Pasay City.

Ang pasahero na isang 61-anyos na taga Nueva Ecija ay nasa kustodiya ng Bureau of Customs (BOC) para sa karagdagang imbestigasyon at naka-hold din doon ang nakumpiskang pera para sa serial identification.

Dakong ala-1:00 ng umaga nitong Sabado nang hindi palusutin sa NAIA Terminal 3 ang babae na patungo sanang Hong Kong.

Nakita ng x-ray operator ng Office of Transportation Security (OTS) sa NAIA Terminal 3 ang bundle ng pera sa kanyang luggage nang dumaan sa routine baggage screening.

Agad na isinagawa ang manual inspection ng mga tauhan ng BOC at at Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) sa loob ng trolley bag at nalantad ang nakatagong pera.

Nabatid na mala­yang dalhin o ilabas sa bansa ang halagang hanggang P50,000.00 at kung higit pa rito ay kinakailangang may awtorisasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

HONG KONG

VALENZUELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with