1 Smart TV kada classroom - Isko
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na lalagyan ng isang Smart TV at laptop ang bawat Kindergarten classroom sa lungsod.
Ito’y kasunod ng pag-apruba ng Manila City School Board sa resolusyon ng paglalaan ng P143,000,100.00 budget mula sa 2025 Special Education Fund (SEF) Project Procurement Management Plan ng lungsod ng Maynila.
Ilalaan sa budget ang pagbili ng Smart TVs, laptops, tablet armchairs at workbooks para sa lahat ng Kinder classrooms.
Ang lahat ng 397 classrooms ay lalagyan din ng laptop upang matiyak na maiintidihan ng Kindergarten student ang mga itinuturo ng kanilang guro.
“We are strengthening reading and basic education, in line with the national direction of equipping our classrooms as a mode for learning,” ani Domagoso.
Ito’y bahagi ng 10-year “Make Manila Great Again” development strategy ng alkalde para sa pagpapalawak mg karunungan ng mga estudyante habang bata pa.
- Latest
















