Birth, marriage, death certificate ng mga biktima ng kalamidad libre - Malabon LGU
MANILA, Philippines — Inihayag ng Malabon LGU na libre nang makukuha ng mga biktima ng kalamidad ang dokumentong tulad ng birth, marriage, at death certificates.
Kasunod ito ng ipinasang City Ordinance No. 11-2025, o ang “Documentary Relief Assistance to Fire and Other Victims of Natural Calamities Ordinance” na layong matulungan ang mga pamilyang nabiktima ng sunog at iba pang kalamidad.
Sa ilalim ng ordinansa, hindi na rin kailangang magbayad ang mga benepisaryo ng authentication o record verification fees.
Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, sa tulong ng ordinansa, nais nilang mabawasan ang pasanin ng mga nasalanta at matulungan ang mga itong makapagsimula ulit.
Maaaring mag-avail ng exemption sa loob ng isang taon mula sa petsa ng insidente, sa pakikipag-ugnayan ng City Civil Registry Office at City Social Welfare and Development Office. Isang beses lamang ito maaaring i-claim ng kwalipikadong indibidwal gaya ng may-ari ng bahay, asawa, magulang, anak, o legal na tagapangalaga.
- Latest
















