2 rent-tangay na extortionist sa Malabon, timbog

MANILA, Philippines — Kalaboso ang dalawang babae na mga suspek sa rent-tangay at kinikikilan pa ang kanilang biniktima sa Malabon City.
Sa report na tinanggap ni Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director PBGen Eleazar P. Matta, may edad 37 at 39 ang mga suspek.
Nabatid na isinagawa ng RHPU 3 - PHPT Bulacan ang entrapment matapos na dumulog ang may-ari ng sasakyang nirentahan ng mga suspek.
Bandang alas-6:12 ng gabi nang magkasundo ang biktima at mga suspek na magkita sa parking lot ng Robinsons Town Mall sa Barangay Tinajeros, Malabon City.
Bago ito, sinabi ng biktima na humihingi ng P100,000 ang mga suspek bago ibalik ang inarkilang dalawang sasakyan.
Agad na umaksiyon ang PNP-HPG na magresulta sa pagkaka aresto sa mga suspek.
Nasa kustodiya na ng Bulacan PHPT ang mga suspek na nahaharap sa kasong extortion at paglabag sa R.A. 10883.
Pinuri naman ni Matta ang naging koordinasyon ng complainant at mga pulis upang maging matagumpay ang operasyon
- Latest






















