^

Metro

Isko ipatutupad tax amnesty

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Isko ipatutupad tax amnesty
Ipinakita nina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Vice Mayor Chi Atienza at Secretary to the Mayor Letlet Zarcal ang pirmadong Ordinance No. 9118 o ang General Tax Amnesty sa lungsod kung saan tinatanggal ang anumang penalties, surcharges, o interest sa mga hindi nabayarang buwis hanggang Disyembre 31, 2025.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Magpapatupad ng tax amnesty si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lungsod. 

Nabatid na nilagdaan na ni Moreno kahapon ang Ordinance No. 9118 na nagkakaloob ng general tax amnesty sa Maynila. 

Alinsunod sa ordinansa, ang lahat ng delingkwenteng tax payers na mag-a-avail ng tax amnesty ay hindi na pagbabayarin ng multa at surcharges mula Hulyo hanggang Disyembre 31, 2025.

Sakop umano ng programa ang mga hindi nabayarang business taxes, delinquent real property taxes, ordinance violation receipts (OVRs), regulatory and service fees at local transfer taxes.

“Despite this situation, everyone in this city, gusto namin iparamdam sa inyo na ang gobyerno ng Lungsod ng Maynila ay nakapagpagaan ng katayuan sa hirap na kinakaharap ng marami nating kababayan na nagbabayad ng buwis,” ayon kay Moreno, sa isang Facebook post.

“Una sa mahinang negosyo, pangalawa sa hirap ng buhay dahil ang ekonomiya’y may mabigat na hamon sa lahat dahil sa nangyayari sa mundo. Mas minabuti naming unawain ang mamamayan at bigyan ng tamang pansin ang hirap na kinakaharap ng ating nasasakupan,” dagdag pa ng alkalde.

AMNESTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with