^

Metro

NCAP violator makakatanggap ng real-time text, email

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makakatanggap na ang mga motorista sa Metro Manila ng mga real-time text at email notification kaugnay ng kanilang mga paglabag na nahuli sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Romando Artes hindi na kailangan pa ang internet connection dahil may SMS naman upang makatanggap ng notification ang isang motorista.

Ipatutupad ito sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Land Transportation Office (LTO) at isang kompanya ng telekomunikasyon.

Ang mga detalye ng contact ng mga may-ari ng sasakyan ay ang mga nakarehistro sa ilalim ng Land Transportation Management System (LTMS) ng LTO.

Sinabi niya na ang mga notification ng SMS at email ay isang cost-effective at mas mabilis na paraan para ipaalam ng MMDA sa mga may-ari ng sasakyan ang mga paglabag sa trapiko.  Ang mga mensahe ng SMS mula sa NCAP ng MMDA ay may caller ID na “MMDA_NCAP” at walang numero ng mobile.

Sa kabilang banda, ang mga notification ng email ng NCAP ay galing sa [email protected].  at walang anumang link sa pagbabayad upang maiwasan ang scam.

VIOLATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with