Nepomuceno pinatigil ‘di pa naisisilbing LOAs at MOs
MANILA, Philippines — Kaagad ipinag-utos ni bagong Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno ang suspensyon sa mga hindi naisilbing Letters of Authority (LOAs) at Mission Orders (MOs) na inisyu bago ang Hulyo 2—na nagpakita sa kanyang seryosong pagbabalik ng disiplina at paglaban sa pang-aabuso at pag-aayos sa mga field operations na naayon sa batas at transparent practices.
Ang memorandum na inisyu noong Hulyo 2 ay sumasakop sa lahat ng mga LOAs at MOs ng BOC Intelligence and Enforcement Groups na hindi pa naisisilbi.
Ang aksyon ni Nepomuceno ay bilang tugon sa pagkabahala ng mga legitimate business groups ukol sa mga questionable raids at enforcement excesses na nakagambala sa mga operasyon at sumira sa tiwala sa ahensya.
Inutusan din ni Nepomuceno ang lahat ng Deputy Commissioners na magsumite sa loob ng 24-oras ng full status report sa mga LOAs at MOs na inisyu noong Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2025.
Hangad ng suspensyon na pigilan ang mga unauthorized, outdated o improperly documented operations na sinasabing breeding ground para sa mga iregularidad at pang-aabuso sa field enforcement.
Sa pagsawata sa nasabing mga pending operations ay ipinatutupad ni Nepomuceno ang kanyang kontrol at nagbibigay ng mensahe na hindi na papayagan ng BOC ang mga loose, unsupervised o potentially exploitative enforcement activities.
Sa ilalim ng liderato ni Nepomuceno ay inaasahang ipupursige ng BOC ang agresibong reporma na nagbibigay ng prayoridad sa pagpapatupad ng batas at muling ibalik ang tiwala ng publiko sa institusyon.
- Latest

















