^

Metro

300 pamilya nasunugan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
300 pamilya nasunugan
Pinipili pa ng mga residente ang ilang bagay na maaaring mapakinabangan matapos na tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay sa M. Dela Fuente St. sa kanto ng Amelia St. at Brgy. 488 sa Maynila. Agad namang tinungo ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga nasunugan at tiniyak ang sapat na ayuda.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 300 pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang sunog na sumiklab sa Sampaloc, Manila kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-12:32 ng mada­ling araw nang sumiklab ang sunog sa Amelia St., kanto ng M. Dela Fuente St., sa Sampaloc na umabot sa ikaapat na alarma, bago tuluyang naapula dakong ala-5:44 ng madaling araw.

Wala namang ­nasugatan o nasaktan sa ­sunog, ngunit isang ginang umano ang hinimatay dahil sa matinding pagpa-panic.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa tinatayang aabot sa 70 tahanan, na pawang gawa sa light materials.

Sa pagtaya ng mga awtoridad aabot sa hanggang P300,000 ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

MANILA

SAMPALOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with