Ilang opisyal ng Makati Fire Station, sibak
Mga sasakyan nakaharang
MANILA, Philippines — Sinibak ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang ilang opisyal ng Makati City Fire Station matapos lumabag sa Fire Code of the Philippines
Nagsagawa ng surprise inspection si Remulla subalit nadatnan niya na nakaharang ang mga private cars ng ilang tauhan ng Bureau of Fire Protection. Hindi naman pinangalanan ni Remulla ang mga sinibak na BFP officials.
Paliwanag ni Remulla ito ay paglabag sa Republic Act 9514 or the Fire Code of the Philippines of 2018 at 2019 Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) dahil hindi dapat na hinaharangan ng anumang sasakyan o bagay ang dadaanan ng mga fire truck at emergency ambulance.
Maaari umanong magdulot ng malaking pagkaantala sa pagresponde sa mga sunog at iba pang emergency na maaaring ikapahamak ng buhay at ari-arian ng publiko.
Bunga nito, inatasan ni Remulla ang lahat ng hepe ng fire stations na tiyaking walang obstruction sa harap o malapit sa mga fire response units dahil hindi siya magdadalawang isip na ipatanggal sa puwesto ang hindi susunod.
- Latest



















