Councilor Mikey Belmonte, isusulong 4Ks sa Quezon City

MANILA, Philippines — Isusulong ni Quezon City District 2 Councilor Fernando Miguel “Mikey” Belmonte ang 4Ks program sa susunod na tatlong taong termino sa QC LGU.
Ayon kay Councilor Mikey ang 4Ks ay kinabibilangan ng Kaalaman, na layong palalakasin ang mga proyektong pang edukasyon sa pagkakaloob ng scholarship sa mga kabataang mag aaral at day care centers; Kalusugan, na pauunlarin ang mga health care programs partikular ang pamamahagi ng maintenance medicine sa mga senior citizen; Kabuhayan na palalawakin ang pagkakaroon ng mga livelihood programs sa distrito at Karapatan kung saan pagkakalooban ng legal at technical assistance ang mga nangangailangan para pangalagaan ang karapatan ng bawat constituents.
Si Councilor Mikey ay nakilala bilang Champion sa Pabahay o tinatawag na Mr. Pabahay dahil sa mga itinaguyod na batas at ordinansa sa programang Pabahay para sa mga QCitizens.
- Latest


















