Bigo sa 5-minute response, 8 COP sibak

MANILA, Philippines — Walong Chief of Police sa Metro Manila ang sinibak sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Nicolas Torre III matapos na hindi maipatupad ang 5-minute response time policy.
Ang mga COP ay mula sa Navotas, Caloocan, Valenzuela, Mandaluyong, Marikina, San Juan, Parañaque at Makati.
Ayon kay Torre, hindi sumunod sa kaniyang direktiba ang mga nasabing COP sa Kalakhang Maynila matapos na tumawag ang ilang concern citizen na nangangailangan ng tulong.
Sinabi ni Torre na may mga susunod pang matatanggal sa pwesto hindi lang sa MM kundi pati na rin sa mga probinsya tulad sa Central Visayas kung saan may mga pwesto ng provincial director ang idedeklarang bakante.
Hindi naman umano problema ang mga papalit sa mga ito dahil marami ang mga nakalinya na mas magagaling na opisyal para mamuno.
- Latest





















