^

Metro

Car stickers sa nairehistrong sasakyan ibalik

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napapanahon nang maibalik ang paglalagay ng car stickers sa mga nairehistrong mga sasakyan sa buong bansa.

Ito ang inihirit ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) sa mga opisyal ng Land Transportation Office bilang bahagi ng security measures ng pamahalaan sa mga naiparerehistrong sasakyan.

Sinabi ni Executive Vice President  Leonard Bautista sa kasalukuyan ay walang naibibigay na car sticker ang LTO sa mga naiparerehistrong sasakyan kaya hindi na tuloy malaman kung sino ang rehistrado at hindi na  mga sasakyan na nasa mga kalsada.

“Kayo malalaman ba ninyo kung rehistrado ang sasakyan na nasa kalsada? Sana maibalik na ang pagbibigay ng LTO ng Car ­stickers sa mga sasakyan para fair naman sa mga rehistrado at hindi. Minsan malalaman lamang na hindi rehistrado ang isang sasakyan kapag nasangkot sa aksidente, pero kung hindi nasangkot sa aksidente, ‘di ba hayahay lang na nakakagalaw sa kalsada ang mga sasakyan?’ sabi ni Bautista.

Sinasabing noong taong 2014, hindi na nag isyu ng Car stickers ang LTO dahil sa planong isailalim sa RFID ang mga naipaparehistrong sasakyan. Hindi naman ito natuloy dahil sa pagbabago ng pangasiwaan nang no’oy Department of Transportation and Communication (DOTC).

Hiniling ng mga ito kay DOTr Secretary Vince Dizon na ibalik ang pagiisyu ng LTO ng car stickers sa mga nairerehistrong sasakyan para mapalakas ang paghahabol sa mga unregistered vehicles sa bansa at para na rin sa kapakanan na rin ng mga law abiding motorists.

STICKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with