^

Metro

Korte nagpasok ng ‘not guilty’ para kay Teves

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa kasong illegal possession of firearms

MANILA, Philippines — Ang hukuman na ang nagpasok ng ‘not guilty plea’ para kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., kaugnay sa kinakaharap nitong kasong illegal possession of firearms and explosives.

Sa isinagawang arraignment ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 12 kahapon, tumanggi si Teves na maghain ng plea at iginiit ang kanyang karapatan sa pananahimik.

Dahil dito, ang hukuman na mismo ang nag­hain ng not guilty plea para sa kanya.

Nag-ugat ang kaso laban kay Teves sa mga umano’y armas, pampasabog at bala na nakum­piska ng mga awtoridad sa isinagawang pagsalakay sa tahanan ni Teves sa Bayawan City, Negros Oriental noong Marso 2023.

Personal na dumalo si Teves sa pagdinig at ineskortan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kasunod naman ng arraignment, idinaos din ng hukuman ang pre-trial hearing sa kaso. Nakatakda umanong magprisinta ang prosekus­yon ng 13 testigo habang ang depensa ay mayroon namang 23 testigo kabilang sina si Teves, anak niyang si Axl, at legal counsel, na si Atty. Ferdinand Topacio.

Naghain din naman ang prosekusyon ng motion to consolidate sa kasong illegal possession of explosives sa illegal possession of firearms case, na in-adopt ng depensa at inaprubahan ng hukom.

Itinakda na rin ng hukom ang susunod na pagdinig sa kaso sa Hulyo 29.

Bukod sa naturang kaso, si Teves ay matatandaang nahaharap din sa mga kasong murder, attempted murder, at frustrated murder dahil sa umano’y pagpatay kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa, sa loob ng kanyang tahanan noong Marso 4, 2023.

ARNOLFO TEVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with