^

Metro

223 pasaway sa Quezon City, dinampot

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 223 katao na sangkot sa iba’t ibang kaso ang dinampot ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang linggong anti-cri­minality at anti-illegal drug operations na isinagawa mula Mayo 25 hanggang 31, 2025 sa lungsod.

Sa report na tinanggap ni PCol. Randy Glenn Silvio, Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge ng QCPD, sa 223 na naarestong indibidwal, 69 ang drug suspect, 76 ang wanted person, 74 ang sangkot sa ilegal na sugal, at 4 ang nahuling may hawak ng ilegal na baril.

Sa patuloy na kampanya ng QCPD laban sa iligal na droga, 47 na operasyon ang isinagawa, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 69 na drug suspect, at pagkakakumpiska ng P15,261,404 halaga ng shabu.

Habang sa mga wan­ted, 76 na indibidwal ang matagumpay na nahuli, kabilang ang 32 Most Wanted Persons, at 44 Other Wanted Persons.

Ang kani-kanilang korte ng pinagmulan ay  naabisuhan na tungkol sa mga pag-aresto ng mga nasabing wanted.

Samantala, sa kampanya laban sa mga iligal na baril, 4 na operasyon ang isinagawa, na humantong sa pagkarekober ng 4 na baril at pagkakaaresto ng 4 na indibidwal.

Bukod dito, 41 operas­yon din ang isinagawa laban sa iligal na sugal, na nagresulta sa pagkakaaresto sa 74 na indibidwal at pagkakakumpiska ng P23,741.00 bet money.

Naisampa na ang mga kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office, kabilang ang mga paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002); P.D. 1602 at R.A. 10591.

RANDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with