Pinakamalaking board game event sa Pilipinas, umarangkada sa Quezon City

MANILA, Philippines — Umarangkada na sa Quezon City kahapon ang All aBoard Expo 2025, ang pinakamalaking board game event sa Pilipinas na ginanap sa M.I.C.E. Center sa QChall.
“This initiative responds to growing concerns about excessive screen time, particularly among our youth. It’s time to take a break from gadgets and rediscover the joy of face-to-face play.” ani QC Mayor Joy Belmonte
Ayon kay Belmonte, ang board games ay hindi lamang nakaka-entertain kundi nagbibigay daan sa pagbubuklod buklod ng mga tao, creativity at mental wellness.
“All aBoard Expo 2025 is more than an event—it’s a celebration of a growing movement.” pahayag ni Gaming Library CEO Hans Kenner Fernandez.
Ang All aBoard Expo 2025 ay magtatagal hanggang June 1, 2025.
Tampok sa expo ang iba-ibang board games na layong isulong at palaganapin pa ang board game culture sa bansa bilang alternatibong libangan ng pamilya at barkada.
May libreng sakay naman na nailaan ang QC Government sa pamamagitan ng QC bus free ride papuntang M.I.C.E Center sa City Hall.
- Latest

















