‘Midnight deal’ niluluto sa konseho ng Maynila?
MANILA, Philippines — Isang ‘midnight deal’ umano ang nakatakdang palusutin ng mga kaalyado ni Manila Mayor Honey Lacuna sa city council upang aprubahan ang long-term lease contract ng mga parking lot sa Lungsod.
Sa Facebook page ni Manila Mayor elect Isko Moreno, ang draft resolution ay ihahain ni Majority Floor Leader Ernesto ‘Jong’ Isip, Jr., nakasaad ang RESOLUTION AUTHORIZING THE HONORABLE CITY MAYOR, MARIA SHEILAH “HONEY” H. LACUNA-PANGAN, MD, FPDS, REPRESENTING THE CITY GOVERNMENT OF MANILA, TO ENTER INTO A LONG TERM FOR A PERIOD OF FIVE (5) YEARS LEASE CONTRACT FOR THE COMMERCIAL SPACES AND PARKING LOTS AT PEDRO GIL RESIDENCES, SAN ANDRES, MANILA WITH PRIVATE ENTITY, IN ACCORDANCE TO LAW, TO EXECUTE ANY AND ALL DOCUMENTS NECESSARY OR IN FURTHERANCE THERETO.
Nakasaad sa draft resolution na hiniling ni Secretary to the Mayor Marlon Lacson sa konseho nitong Pebrero 3, 2025 na ipasa ang resolution upang mabigyan ng awtorisasyon si Lacuna-Pangan.
Ang pagsusulong sa nabanggit na resolusyon ay mahigit isang buwan na lamang bago tuluyang bumaba sa puwesto si Lacuna-Pangan kaya nagkaroon ng pagdududa sa umano’y “midnight deal”.
“Nire-refer ang letter-request, kasama ang proposed Contract of Affiliation and Acceptance, sa Sangguniang Panlungsod para sa nararapat na aksyon,” ayon sa draft resolution.
Lumilitaw na ilang konsehal na kaalyado ni Lacuna-Pangan ang nakatanggap ng mensahe kung saan inoobliga sila na dumalo sa gagawing session ngayon araw.
Sa nakarang eleksiyon nakakuha ng botong 530,825 si Moreno laban kay Lacuna-Pangan na nakakuha lamang ng 190,617.
- Latest
















