^

Metro

Legal advice online ng eGovPH bukas na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bukas na sa publiko ang pagbibigay ng lefal advise online ng eGovPH ng pamahalaan.

Ito naman ang sinabi  ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta kung saan  pareho rin ito aniya ng 24 oras na hotline ng PAO kung saan may mga abogadong nakatalaga para sumagot sa mga tawag o hihingi ng legal assistance.

Aniya, nasa dalawang abogado at dalawang staff ng PAO ang kanilang itatalaga sa application ng gobyerno.

Ipinunto ng PAO Chief na hindi magkakaroon ng serbisyo kung walang naka-duty na abogado.

Paliwanag pa ni Acosta na napakahalaga kapag nasasagot agad ang mga katanungan kaugnay sa batas dahil hindi lahat aniya ng mga Pilipino ay nag-aral ng batas at kailangan din aniyang ipaalam sa ating mga kababayan ang dati na at bagong mga batas.

PAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with