P47 milyong pekeng Levi’s nasamsam sa raid sa Pasay
MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mahigit P47-milyon halaga ng pekeng produkto ng Levi’s Strauss brand, sa isang gusali sa Pasay City, noong Mayo 14, 2025.
Sinabi ni NBI Director Judge Jaime Santiago na inireklamo ng kumpanyang Levi’s Strauss and Co., sa pamamagitan ng isang law firm ang natuklasang pagbebenta ng mga pekeng produkto nila na kumakalat sa merkado sa pamamagitan ng online shopping.
Gamit ang inisyung search warrants kaugnay sa paglabag sa Section 155 (Trademark Infringement) in relation to section 170 ng Republic Act 8293, pinasok ng mga ahente ng NBI-National Capital Region ang YSL Building sa Pasay city, kung saan nasamsam ang 15,814 produkto na pawang may tatak na Levi’s.
Gagamiting ebidensya sa hinaharap na kaso ng mga operator at may-ari ng mga pekeng produkto ang mga nakuhang mga resibo, Lazada at Shopee parcel tags, machines sa iligal na operasyon.
- Latest

















