West Philippine Sea nasa Google Maps na
MANILA, Philippines — Nasa Google Maps na ngayon ang kanlurang bahagi ng South China Sea na tinatawag na West Philippine Sea.
Kinilala ng Google Maps ang West Philippine Sea sa kanilang mapa na nasa lokasyon ng Scarborough o Panatag Shoal, pangisdaan na bahagi ng 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ang tawag na West Philippine Sea ay unang ginamit noong 2012 ni dating Pangulong Benigno Aquino III na tumutukoy sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas na nasa loob ng South China Sea sa pamamagitan ng Administrative Order No. 29.
Kabilang sa WPS ang bahagi ng Luzon Sea, karagatan sa Kalayaan Island Group, at Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).
Sa kabila ng ruling ng “Permanent Court of Arbitration” noong 2016 na pumabor sa Pilipinas sa kasong inihain laban sa China, patuloy pa ring iginigiit ng China na sa kanila ang bahagi ng WPS kahit pa nasa loob ito ng EEZ ng Pilipinas.
- Latest