^

Metro

Oras ng MRT-3 pinahaba; unconsolidated jeepneys muling makakabiyahe

Philstar.com
Oras ng MRT-3 pinahaba; unconsolidated jeepneys muling makakabiyahe
A photo of the MRT-3 during its nighttime maintenance.
Released / Department of Transportation

MANILA, Philippines — Sa layuning matugunan ang mga hinaing ng mga commuter at driver na bumibiyahe sa mga kalsada ng bansa, pinalawig ng administrasyong Marcos ang oras ng operasyon ng Metro Rail Transit System (MRTS) at papayagan nang muling makabiyahe ang mga unconsolidated na driver ng jeep.

Ito ay kasunod ng anunsiyo ni Transportation Secretary Vince Dizon na naglabas na siya ng direktiba sa kanyang kagawaran upang tulungan ang mga unconsolidated na driver na makabalik sa kanilang mga ruta at makabiyahe nang legal.

Ayon kay Dizon, mahalagang isaalang-alang ng pamahalaan ang kalagayan ng mga commuter, driver at operator, at binigyang-diin na hindi dapat mawala sa publiko ang kanilang transportasyon at kabuhayan.

Pinalawig din ang oras ng operasyon ng MRT-3 hanggang alas-11:00 ng gabi simula Marso upang matugunan ang pangangailangan ng mas maraming commuter na may iba’t ibang shift sa trabaho at nakatira sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

“Sisiguraduhin ko ho, na ang importante, makabiyahe kayo nang legal,” sabi ni Dizon habang kinakausap ang mga miyembro ng isang transport group. “‘Yun pong desisyon na makabalik kayo, nandiyan na iyan.”

“Ang pinag-uusapan natin dito kabuhayan ng mga driver at operator natin. Ang pinaglalaruan natin dito buhay ng tao ‘yan, e. Hindi tayo basta-basta pwedeng magsabi na ihihinto natin ‘yan, hindi natin papayagan ‘yan,” dagdag pa ng kalihim.

Sa isang paunang press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na pinag-aaralan ng administrasyong Marcos ang isang “win-win” na solusyon para sa mga commuter at driver, kung saan parehong magkakaroon ng access sa transportasyon at kabuhayan ang lahat.

JEEPNEYS

MRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with