PCG naka-heightened alert sa Semana Santa
MANILA, Philippines — Simula sa Linggo, Abril 13, sasailalim sa heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) bilang paghahanda sa inaasahang exodus ng mga sea traveller sa mga lalawigan sa pagdaraos ng Semana Santa 2025.
Sa Linggo rin ang Linggo ng Palaspas, na inaasahang dadagsain ang mga simbahang Katoliko, at tatagal hanggang Linggo ng Pagkabuhay, Abril 20 ang heightened alert status.
Bahagi ito ng plano sa Oplan Biyaheng Ayos ng PCG sa pakikipag-ugnayan sa iba pang pwersang panseguridad ng gobyerno.
Nais ng PCG na matiyak ang seguridad ng publiko sa panahong mas dagsa ang mga pasahero at mamonitor ang mga galaw sa mga mga posibleng insidente ng kriminalidad.
- Latest