^

Metro

Pusa, tigok sa hataw ng obrero

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang construction worker, matapos na hatawin ng kahoy ang isang pusa nitong Huwebes sa  Tondo, Maynila.

Nakatakdang isailalim sa inquest procee­dings sa Manila City Prosecutors Office sa reklamong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act of 1998 (as amended by RA 10631), na may katapat na parusang kulong na 2-6 taon at multang hanggang P5,000 ng suspek na si Marvin Arasa, 31, residente ng Malaya St., Tondo.

Sa ulat ng Manila Police District-Station 1, alas-2:00 ng hapon ng Abril 3, 2025 sa Malaya St., Brgy. 125, nang maganap ang panghahataw ng pamalo ng suspek sa isang pusa na pag-aari ng isang Gemma Escultura.

Namatay ang pusa dahil sa matinding pinsala sa katawan kaya naghain ng reklamo si Escultura sa kanilang barangay at kinagabihan ay dinakip ang suspek.

Tumayong complainant si Tirzah Lim, Pangulo ng Humane Philippines , isang animal welfare organization na nakabase sa Antipolo, Rizal.

ANIMAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with