Higit 18K pasaway na driver nahuli ng LTO

MANILA, Philippines — Aabot sa 18,800 na pasaway na mga driver ang hinuli ng Land Transportation Office (LTO) sa pinaigting na kampanya ng ahensiya laban sa mga unregistered motor vehicles.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza, Sa naturang bilang, 11,437 ang nahuling motorcycle drivers, 3,315 ang tricycle drivers; 2,056 ang van driver at 1,059 na driver ng mga private vehicles na karamihan ay mula sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).
Nasa P10,000 ang multa sa bawat nahuling driver.
Aniya isinagawa ang operasyon para maisulong ang road safety.
Kaugnay nito nanawagan si Mendoza sa mga motorista na tiyaking rehistrado ang sasakyan bago lumabas ng bahay.
Kamakailan lamang, inilunsad ng LTO ang “Stop Road Crash” campaign para sa road safety.
- Latest