^

Bansa

Pensyon para sa mga OFWs isusulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Maghahain ng isang panukalang batas si ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo para mabigyan ng pension ang mga OFWs ‘pag nagretiro na ang mga ito at nagpasyang manirahan na lang sa bansa.

“Mga bagong bayani ang tawag natin  sa kanila dahil sa ambag nila sa ekonomiya ng bansa. Pero pag-tumanda na sila, naghihirap at umaasa na lang sa bigay ng mga anak. Ganyan ba and dapat maranasan ng isang bayani?”, ani ni Tulfo na tumatakbong senador sa ilalim ng Al­yansa sa Bagong Pilipinas.

“It’s the country’s way of saying ‘thank you’ sa kanila sa pagtaguyod sa ating bansa ng ilang taon kaya marapat lamang na suklian sila ng samba­yanan”, dagdag pa ni Tulfo.

Ayon pa sa mambabatas, marami-rami din sa mga OFWs ay hindi nakapag-ipon dahil inuna ang pagpapaaral ng mga anak at pagbili ng bahay.

“Ang mga DH, laborer, driver, ‘yung mabababa ang sahod ang kadalasang hindi nakakaipon dahil sapat lang ang sahod nila para sa pamilya”, dagdag ni Tulfo.

Sa panukala ni Cong. Tulfo may kontribusyon ang OFW buwan-buwan sa pension fund niya at doble o triple naman ang kontribusyon ng gob­yerno sa pension ng OFW.

Ang sinasabing OFW pension ay iba pa sa makukuha niya sa SSS pagdating niya ng 60 years old.

ACT

ERWIN

TULFO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with