Lumang gusali ng Ospital ng Maynila, nasunog

MANILA, Philippines — Sumiklab ang sunog sa bahagi ng lumang gusali ng Ospital ng Maynila (Osma), sa Malate, Maynila, nitong Linggo.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, pasado ala-1:00 ng madaling araw nang magsimula ang apoy sa ground floor at umakyat sa 5-palapag ng gusali at itinaas sa unang alarma pagsapit ng ala- 1:38 ng madaling araw.
Siyam na truck ng bumbero ang rumesponde na naapula pasado alas-2:00 ng madaling araw.
Ang silid na naglalaman ng mga lumang medical supplies ang tuluyang natupok.
Walang naitalang nasugatan at nasawi sa insidente.
Iniimbestigahan pa ang sanhi at halaga ng pinsala ng sunog.
- Latest

















