^

PSN Showbiz

Gretchen, nakakuha ng kakampi vs trolls

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Gretchen, nakakuha ng kakampi vs trolls
AMB. Ed at Gretchen Ho
STAR/File

‘Kaloka ang pamba-bash kay Gretchen Ho ng mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Nang mag-post daw si Gretchen ng litrato niya kasama ang isang ambassador na seasoned diplomat at lawyer habang nasa Philippine Embassy sa Netherlands siya, nagkomento ang mga DDS at inakusahan siyang “bias.”

Pero ang nakakatawa ay kinorek niya lang ang mga nagkomento at sinabing ““BIAS with an ED” po. Biased. Thanks powh.”

Nakakalungkot lang na naba-bash daw ang mga legit media at inaakusahan ng mga troll na biased.

Sey pa ng mga ito ay mas pinagkakatiwalaan pa nila ang mga independent vlogger at OFW (overseas Filipino worker) kesa sa legit media sa paghahatid ng mga balita.

‘Kaloka.

Pero kailan nga lamang ay walang maipakitang ebidensya ang mga vlogger sa Congress hearing tungkol sa pagkakalat ng fake news.

Sana nga magtanda na ang mga fake news peddler na mga vlogger na pinagkakakitaan pa ang pagkakalat ng maling impormasyon.

Nakakatuwa lang na nagsusuportahan sila ng kapwa niya news anchor na si Howie Severino na nagpahayag ng suporta sa kanya na sinabing “You’re doing great work.”

Nagpasalamat si Gretchen kay Howie at sinabing “That means a lot.”

Kaya saludo talaga sa mga journalist natin na tuloy sa paghahatid ng balita sa kabila ng talamak na fake news.

‘Kaloka sila.

Rhea Tan, walang kapaguran

Buti na lang at meron pa ring time si Rhea Tan ng Beautederm para maka-lunch ang friends niya sa entertainment press.

Napaka-busy ni Rhea plus the fact na sa Pampanga pa siya nanggaling pero para siyang walang pagod kung kumilos lalo na at para sa Beautederm products niya.

Kaya nga ang mga endorser niya talagang tuwang-tuwa dahil nga alam nila in safe hands sila. We are so happy to see also na very focused sa ginagawa niya si Rhea Tan.

Talagang basta para sa Beautederm talagang all-out siya sa suporta. Bongga.

GRETCHEN HO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with