Shabu isinilid sa condom, dalaw timbog
MANILA, Philippines — Naharang at inaresto ng tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang isang babaeng dalaw ng isang person deprived of liberty (PDL) sa tangkang pagpuslit ng iligal na droga, sa New Bilibid Prison (NBP), sa Muntinlupa City, nitong Martes.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang suspek na si Rovelyn Fabillar, registered visitor ng PDL na si Lester Martin Ramos ay nakuhanan ng shabu na isinilid sa condom at plastic at isiniksik diumano sa pribadong bahagi ng katawan.
Napuna ang suspek sa routine security inspections para sa mga dalaw sa inmate visiting services unit (IVSU) -Maximum Security Compound.
Noong nakaraang taon, nakakuha ang BuCor ng dalawang advanced full-body scanner na may kakayahang makita ang mga bagay na natutunaw o nakatago sa ilalim ng damit, kabilang ang mga nakatagong kontrabando sa loob ng katawan ng mga bisita.
Ang matagumpay na pagharang sa pagtatangkang ito ay nagmamarka ng isang proactive na hakbang ng BuCor sa paglaban sa pagpupuslit ng droga at pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa loob ng sistema ng bilangguan.
Itinurn-over si Fabillar sa Muntinlupa PNP habang ang mga nakumpiska ay itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa kaukulang disposisyon.
- Latest