^

Metro

Fetus, umalingasaw sa tambak ng mga basura

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang fetus ang nadiskubre sa tambak ng mga basura sa Port Area, Manila kamakalawa ng gabi.

Inilarawan lamang ang fetus na isang lalaki at tinatayang nasa 36 na linggo lang ang edad.

Ayon sa Manila Police District (MPD), dakong alas-10:30 ng gabi nang madiskubre ang fetus sa tambak ng mga basura sa seawall ng riverside na matatagpuan sa Block 15B, Babuyan, Baseco Compound, sa Port Area.

Sinabi ng testigong si Lyn Perez, kasalukuyan siyang naghahanap ng mga mapapakinaba­ngang bagay sa mga basura nang mapuna ang isang puting tela na nasa loob ng isang itim na plastic bag.

Nang alamin ang laman ng plastic bag, dito na nalantad ang fetus na nakabalot pa sa pu­ting tela.

Kaagad namang ipinagbigay-alam ni Perez ang insidente sa mga pulis para maimbestigahan.

 

FETUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with