3 arestado sa P1.6 milyong kush, marijuana
MANILA, Philippines — Umaabot sa P1.6 milyong halaga ng kush at marijuana ang nasamsam ng mga tauhan ng Caloocan City Police sa isinagawang buy-bust operation nitong Lunes ng umaga sa Caloocan City.
Sa report ni Caloocan City Police chief PCol. Edcille Canals kay Northern Police District (NPD) District Director PCol. Josefino Ligan, dinakip sina “Mike”, 44, band member, “Rose”, 35, tattoo artist at “Marj”, 27, sa ikinasang buybust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Restie Mables nang magpositibo ang tip hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas Mike.
Matapos ang hudyat agad na inaresto ang mga suspek dakong alas-11:34 ng umaga sa Phase 5A, Package 3, Bagong Silang, Barangay 176.
Nakuha sa mga ito ang nasa 1,000 grams ng high-grade Kush na nagkakahalaga ng P1,400,000 at 2,170 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P260,400, na may kabuuang halaga na P1,660,400.00, buy-bust money, at asul eco bag.
Kinasuhan na ang mga suspek ng paglabag sa Sections 5, 26, at 11 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest