^

Metro

BI natakasan ng Koreano na dumalo sa pagdinig ng estafa case

Butch Quejada - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
BI natakasan ng Koreano na dumalo sa pagdinig ng estafa case
Chinese suspect Wang Zhouyu (left) and South Korean fraudster Na Ikhyeon (right).
Photo courtesy of BI

MANILA, Philippines — Nagsasagawa nga­yon ng manhunt opera­tion ang Bureau of Immigration at pulisya laban sa isang Koreano na tumakas habang dumadalo ng pagdinig ng kanyang kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Si Na Ikhyeon, 28 na may kasong estafa ay nakatakas nang dumaan sa banyo ng korte.

Batay sa record ng mga awtoridad sa South Korea, hinikayat ni Na ang kanyang mga kababayan na mamuhunan sa isang pekeng account.

Subalit matapos na makakuha ng pera, winid­row ni Na at kanyang mga kasamahan ang puhunan para sa kanyang sariling interes.

Inaresto ng BI si Na noong Mayo 31, 2023 at nakakulong sa pasilidad ng BI habang hinihintay ang kanyang deportasyon.

Gayunpaman, ipinagpaliban ang kanyang deportasyon habang hinihintay ang pagresolba ng kasong estafa na isinampa ng isang Pinay laban sa kanya sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Nag-ugat naman ito sa reklamo ng negos­yante ng alahas kung saan nag-consign si Na subalit nabigo na i-remit ang pinagbentahan.

Martes nang dumalo si Na sa isang pagdinig na may kaugnayan sa nasabing kaso noong Marso 4, ngunit nagawang makapuga kung saan gumamit ito ng banyo ng korte.

“Kami ay nag-iimbestiga kung ang kanyang tagapayo ay may kaalaman sa tila pre-planong insidente na ito,” ani BI Commissioner Joel Viado.

BUREAU OF IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with