Bebot na ‘tulak’, 3 pa timbog sa buy-bust

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babaeng high value target at tatlong kasabwat sa major buy-bust operation ng Parañaque Police, sa Barangay San Antonio, Parañaque City, nitong Biyernes.
Sa ulat ni Parañaque City Police Station Chief, PCol. Melvin Montante ang tagumpay ng intelligence-driven operation ay nagresulta sa pagkadakip sa mga suspek na sina alyas Jelai, 24,alyas Joanna, 30; alyas Datu, 29; at alyas Evalyn, 31, pawang mga residente ng Parañaque City
Dakong alas-3:30 ng madaling araw ng Pebrero 28, 2025 nang ganap na maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) na nakasamsam ng 60 gramo ng shabu na may standard drug price na P408,000.
Nahaharap sa reklamong paglabag sa Section 5 at 11ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek.
- Latest



















