^

Metro

Mga labi ni Malabed naiuwi na sa bansa

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naiuwi na sa bansa ang labi ni Police Col. Pergentino Malabed na nasawi sa mid-air collision sa Washington DC sa Amerika, noong Enero 29.

Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Randulf Tuaño, alas-5:04 kahapon ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang eroplano lulan si Malabed.

Ginawaran si Malabed ng Foyer Honors ng ilang mga kasamahan niya sa Directorate for Logistics at mga kaklase sa PNPA class of 1998.

Matapos nito, agad na dinala sa Funeraria Paz sa Sucat Parañaque ang mga labi ni Malabed bago ito dalhin sa Kampo Crame, kung saan siya ginawaran ng arrival honors.

Kasunod nito, isang programa ang isinagawa ng PNP bilang pagkilala at pagbibigay pugay sa opisyal kung saan, binigyan siya ng Medalya ng Katapatan at Medalya ng Katangi-tanging gawa.

Pansamantala namang ibuburol ang labi ni Malabed sa PNP mortuary sa Kampo Crame hanggang sa Lunes, Pebrero 24. Buhat sa Kampo Crame, dadalhin ang labi ni Malabed sa kaniyang huling hantungan sa Manila Memorial Park sa Sta. Rosa City sa Laguna.

Una nang tiniyak ng PNP, na matatanggap ng pamilya ni Malabed ang mga kaukulang benepisyo kabilang na ang accident death benefits na may kabuuang halaga na Php 2.6 milyon.

PERGENTINO MALABED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with