Congressional extension office sa Las Piñas, isusulong
MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakaroon ng congressional extension office sa Las Piñas City Hall para agarang matugunan ang pangngailangan at problema ng mga bawat tao sa komunidad.
Ito ang magiging unang proyekto ni Las Piñas Councilor Mark Anthony Santos kapag pinalad siyang mahalal bilang kinatawan ng lungsod sa Mababang Kapulungan sa darating na Mayo midterm elections.
“Ilalapit natin ang ating magiging opisina sa komunidad para hindi na mahirapan ang ating mga kababayan na pumunta pa sa House of Representatives sa Quezon City para lang humingi ng tulong pinansyal o ayuda mula sa gobyerno,” ani Santos.
Ayon kay Santos, isang beses sa isang linggo o apat na beses sa isang buwan sita mag-oopisina sa congressional extension office sa city hall para pakinggan ang mga hinaing at reklamo ng kanyang mga kababayan na hindi natutulungan ng kasalukuyang liderato.
Ani Santos, lagi rin siyang makikipagpulong sa mga pinuno at miyembro ng mga homeowner’s association at lalo na sa mga opisyal ng barangay para agad matugunan ang mga lokal na isyu at mga planong proyekto sa kanilang kinasasakupan.
- Latest
















