Video karera buking sa loob ng sementeryo
MANILA, Philippines — Nadiskubre ang mga iligal na sugal sa loob ng Manila North Cemetery, sa ginawang pagsalakay ng District Intelligence Division at Blumentritt Police Community Precinct at Sta. Cruz Police Station ng Manila Police District (MPD) nitong Martes.
Sa pangunguna ni DID Tracker Team leader, PCapt Joel Aquino, sinalakay bandang alas-4:00 ng hapon ang 2nd Street, sa loob ng MNC at nadiskubre ang operasyon ng video karera, kung saan nasamsam ang isang video karera machine at isang TV monitor na nakalagay sa tabi ng isang nitso, sa 2nd Street.
Wala nang dinatnang manlalaro nang pasukin ang sementeryo, bagamat may impormasyong nagsitakbo na ang mga ito.
Bukod sa video karera, may mga nag-videoke umano, nag-iinuman, naglalaro ng cara y cruz at tong-its sa nasabing erya.
- Latest