^

Metro

PCSO: P28.5 milyong jackpot sa Lotto 6/42, naiuwi ng Manilenyo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
PCSO: P28.5 milyong jackpot sa Lotto 6/42, naiuwi ng Manilenyo
Ayon sa PCSO, matagumpay na nahulaan ng mapalad na mananaya ang winning combination ng Lotto 6/42 na 33-25-19-05-24-22, na may katumbas na jackpot prize na P28,581,049.40.
Philstar.com/Irra Lising

MANILA, Philippines — Inianunsiyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isang Manilenyo ang pinalad na magwagi ng P28.5 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola kamakalawa ng gabi.

Ayon sa PCSO, matagumpay na nahulaan ng mapalad na mananaya ang winning combination ng Lotto 6/42 na 33-25-19-05-24-22, na may katumbas na jackpot prize na P28,581,049.40.

Nabili umano ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Tondo, Manila.

Samantala, isa namang taga-Caloocan City ang nagwagi ng P3,789,542 sa 6D lotto. Upang makubra ang kanilang premyo, pinayuhan sila ng PCSO na magtungo­ lamang sa kanilang punong tanggapan at iprisinta ang kanilang winning ticket at dalawang balidong IDs.

Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas ng P10,000 ay papatawan ng 20% tax, alinsunod sa TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra, sa loob ng isang taon, mula sa petsa ng pagbola dito ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kawanggawa.

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with