^

Metro

Snatcher na naka-AUV, arestado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Tila nag-level up na ang mga snatcher matapos na manghablot ng bag ng isang call center agent na babae at tumakas gamit ang isang AUV sa La Loma, Quezon City.

Sa mabilis na aksiyon ng mga tauhan ni Quezon City Police District-La Loma Police Station 1 chief, police PLt.Col. Ferdinand Casiano, naaresto ang 38-anyos na suspek.

Batay sa report naglalakad ang 40-anyos na biktima bandang alas-10 nang gabi sa Barangay Paang Bundok nang makasalubong ang isang AUV.

Isa sa mga sakay nito ang bumaba at hinablot ang bag ng biktima habang natumba naman sa semento ang huli.

Agad na nagsumbong ang biktima sa La Loma police station na agad namang nag­responde, at sinuri ang mga CCTV sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Makalipas ang 10-oras, natunton ng mga pulis ang kinaroroonan ng AUV at nadakip ang suspek. Hindi na nabawi ang mga gamit ng biktima.

Patuloy pang tinutugis ang mga kasamahan ng suspek na nahaharap sa kasong robbery.

QUEZON CITY.

LA LOMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with