Mass housing project sa Las Piñas, sisimulan na
MANILA, Philippines — Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang mass housing project para sa 161 informal settler fmilies (ISFs) sa t Green Archers Compound, Barangay Pulanglupa Uno.
Nabatid na pinangunahan nina Vice Mayor April Aguilar at councilor Mark Anthony Santos ang groundbreaking ceremony para sa konstruksiyon ng karagdagang dalawang housing units para sa iba pang bahagi ng local government project.
Una nang naisagawa ang proyekto sa ilalim ng noo’y alkalde na si Mayor Vergel Aguilar sa tulong ng National Housing Authority, Social Housing Finance Corp. (SHFC), at ng Local Housing Development Office ng lungsod..
Taong 2022 nang mabigyan ng pabahay ang nasa 41 ISFs sa unang bahagi ng proyekto sa sa nasabing compound. A total of 202 beneficiaries ang nagbabayad ng kanilang monthly amortization sa NHA.
Lumilitaw na ang bawat housing unit ay may sukat na 24 square meters.
Dagdag pa ni Santos, ang mga benepisyaryo ng pabahay ay mga public school teachers, government employees, tricycle drivers, at market vendors.
Binigyan diin ni Santos na naisakatuparan ang proyekto matapos ang pakikipag-ugnayan at pakikipag-usap ng konseho sa mga may-ari ng lupa sa ilalim ng community mortgage program (CMP) ng pamahalaan.
Hinihiling din ni Santos kay Mayor Imelda Aguilar na pirmahan na ang memorandum of understanding sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa “Pambansang Pabahay para sa Pamilyang Pilipino (4PH)” program.
Layon ng 4PH program na mabigyan ng maayos at murang pabahay ang mga residente.
- Latest