^

Metro

Sasakyan ng DILG hinuli sa pagdaan sa Edsa busway

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Asian utility vehicle (AUV) na umano’y nakarehistro sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang hinarang ng traffic enforcer at natikitan matapos gamitin ang EDSA busway sa bahagi ng Quezon City, Huwebes ng gabi.

Sa ulat, kinumpiska ang driver’s license ng 35-anyos na driver at tinikitan ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr- SAICT) para sa multang P5,000.00 bilang first-time violator.

Nakita sa video na ibinahagi ng DOTr-SAICT, na hinaharang ng ilang traffic enforcer ang sasakyan subalit nagpatuloy sa pag-usad hanggang sa mahatak na sa gilid ng busway.

Ayon sa tagapagsalita ng DOTr-SAICT na si Jonathan Gesmundo, nagpakilala pang pulis sa DILG ang nasabing driver.

“Yung driver, ang registered na residence niya is Nueva Ecija. So apparently, parang hindi siya aware doon sa restricted use of the busway,” ani Gesmundo.

Nabatid na  umabot sa 40 motorista na gumamit ng EDSA busway ang nahuli sa Main Avenue station hanggang gabi ng Huwebes na kinabibila­ngan ng taxi cab, tatlong sasakyan ng gobyerno, apat na pribadong sasakyan at 32 motorsiklo.

Sa bahagi naman ng EDSA busway Santolan station ay nasa 25 motorista ang nahuli sa paggamit ng busway Biyernes ng madaling araw kabilang ang ambulance ng isang barangay na may sakay na isang pasyente, na hindi naman emergency, at kulang sa dokumento.

Naniniwala si Gesmundo na mas tataas pa ang bilang ng mga lalabag sa gitna ng holiday rush.

DILG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with