Higit 18,000 pulis ikakalat sa Undas
MANILA, Philippines — Aabot sa mahigit 18,000 pulis ang ipakakalat ng Philippine National Police (PNP) upang masiguro ang kaligtasan sa mga transport terminals, lansangan at sementeryo ngayong Undas.
Ayon kay PNP spokesperson PBrig. Gen. Jean Fajardo, nakahanda na ang plano at sistema ng PNP sa Undas kabilang ang inaasahang pagdagsa ng mga dadalaw sa sementeryo.
“Kasama sa 18,802 na ide-deploy ang itatalaga sa mga police assistance desk sa mga memorial parks, at sa mga sementeryo, at pati na rin po sa mga transport terminals tmake sure po na maalalayan po natin ‘yong mga kababayan natin na ine-expect po na magbabiyahe,” ani Fajardo.
Nilinaw ni Fajardo na nasa kamay na ng mga regional directors kung dapat na i-adjust ang alert level sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa kani-kanilang nasasakupan.
Paalala ni Fajardo, maging maingat at siguraduhin na naka-lock ang mga bahay at gumamit ng alarm system kung kinakailangan. Makabubuti aniya kung iiwasan ding mag-post sa anumang social media platforms ng “at the moment” activities upang maiwasan na mabiktima ng “akyat bahay” o anumang criminal group.
Sa Metro Manila, una nang intasan ni NCRPO chief PMaj. Gen. Sidney Hernia ang kanyang mga chief of police na siguraduhin ang kaligtasan at kaayusan ng mga tao sa loob at labas ng mga sementeryo.
- Latest