^

Metro

Pulis-Quezon City, natakasan ng babaeng preso!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis-Quezon City, natakasan ng babaeng preso!
Ito ngayon ang sentro ng imbestigasyon ng Que­zon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) laban kay PCpl. Aaron Balbaboco Balajadia, 36-anyos, nakatalaga sa Batasan Police Station (PS-6) bilang Mobile Patroller, matapos na mawala na parang bula ang wanted na si Mary Rose Parenas na nahuli ng nasabing himpilan sa bisa ng warrant of arrest.
STAR/ File

Pinabili ng napkin

MANILA, Philippines — “Tumakas o pinatakas.”

Ito ngayon ang sentro ng imbestigasyon ng Que­zon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) laban kay PCpl. Aaron Balbaboco Balajadia, 36-anyos, nakatalaga sa Batasan Police Station (PS-6) bilang Mobile Patroller, matapos na mawala na parang bula ang wanted na si Mary Rose Parenas na nahuli ng nasabing himpilan sa bisa ng warrant of arrest.

Batay sa imbestigas­yon, dinala ni Balajadia si Parenas sa Rosario Maclang Bautista Gene­ral Hospital sa IBP Road, Brgy. Batasan, Quezon City dakong alas-3:50 ng madaling araw nitong Sabado dahil sa iniindang pananakit ng tiyan at hirap sa paghinga.

Habang nasa ospital, nakiusap umano si Parenas kay Balajadia na ibili siya ng sanitary napkin sa kalapit na tindahan.

Subalit sa pagbalik ng nasabing pulis sa ospital ay nawawala na si Parenas.

Sinikap umanong hanapin ni Balajadia si Parenas subalit bigo nang makita ang huli para maibalik sa selda.

Bunsod sa insidente, inaresto ng kanyang mga kabaro si Balajadia na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Article 224 (Evasion through negligence) ng Revised Penal Code (RPC).

PRESO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with