^

Metro

Mga taga-Caloocan kontento kay Malapitan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat sa limang Caloocan residents ang kuntento at aprubado sa liderato at pamamahala ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.

Ito naman ang lumitaw sa Social Weather Station (SWS) survey nitong Hulyo 2024 kung saan inilalarawan na ang husay ni Malapitan bilang alkalde ay bunsod ng pagiging produktibo, matulungin, epektibo at madaling lapitan ng kanyang mga nasasakupan.

Nagpasalamat naman si Malapitan sa suporta at tulong ng kanyang mga constituents upang maisakatuparan ang kanilang mga programa at proyekto sa lungsod.

Ani Malapitan, dodoblehin pa nila ang kanilang pagseserbisyo upang mas maiangat pa ang pamumuhay ng mga residente.

“Kayo po ang dahilan kung bakit mas nagpupursigi ang lahat ng mga opisyal at kawani ng pamahalaang lungsod kaya asahan niyo po na mas palalakasin pa natin ang pagbibigay ng prayoridad sa mga proyektong tututok sa inyong mga pangangailangan,” dagdag pa ng alkalde.

vuukle comment

CALOOCAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with