^

Metro

Libreng engineering programs sa UCC - Malapitan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Caloocan City  Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan  ang pagbubukas ng  College of Engineering campus  sa University of Caloocan City,  Bagong Silang, Caloocan City - North ngayong pasukan.

Kabilang dito ang Electrical, Electronics, Industrial, at  Computer Engineering  na libre ang tuition fees.

Ayon kay Malapitan, dapat na samantalahin ng publiko ang inaalok ng city government na libreng kolehiyo  na layong matulungan ang mga kabataan na matupad ang kanilang  pangarap.

“Ang bagong UCC College of Engineering ay patunay lamang po ng tuluy-tuloy na pagtaas ng antas ng edukasyon sa ating lungsod. Binabati ko po ang lahat ng mga Batang Kankaloo at sana ay huwag nating sayangin ang oportunidad na ito,” ani Malapitan.

Aniya,  ang suporta ng city government ay mananatili hanggang sa maabot ng mga kabataan at residente ang maganda at maayos na buhay.

Kaugnay nito, sinabi din ni Malapitan na  mara­mi pang proyekto ang pinaplano at isinasagawa  ng Caloocan LGU para sa mas maayos na edukasyon.

“Hindi pa po tayo tapos. Marami pa pong susunod na proyekto kagaya na nga lang ng UCC College of Medicine and Health Sciences­ upang pangalagaan ang iba’t-interes ng mga Batang Kankaloo,” dagdag pa ng alkalde.

Ang special application for admission  ng mga Engineering students  ay magsisimula bukas Hulyo  8 hanggang Hulyo 12.

MALAPITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with