^

Metro

7 BuCor officers sibak sa puwesto

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Reklamong “strip search”

MANILA, Philippines — Sibak sa pwesto ang pitong correction officers upang bigyang daan ang imbestigasyon kaugnay sa strip cavity search na ipinatutupad sa New Bilibid Prison (NBP) na inireklamo ng dalawang maybahay ng political prisoners.

Ito’y kasunod ng utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. nitong Martes, Mayo 7 hinggil sa nasabing protocol na ipinatutupad sa lahat ng pasilidad ng kulungan at penal farm sa bansa para sa mga bisitang dumadalaw sa person deprived of liberty (PDLs) .

Kabilang sa mga tinanggal sa puwesto sina Correction Offi­cers 1 Karen Soriano, Kiera Iket, Odesa Etong, Ahmor Darasin, Guada Bello, Melowyne Tallongan, at Angelique Domingo. Ilalagay sila sa ilalim ng attached/unassigned sa NBP Superintendent’s Office.

Ang kanilang relieved order ay nilagdaan ni CCINSP Ruben Formoso, OIC- Acting NBP Superintendent.

Ayon kay Formoso, tututukan ang imbestigasyon sa pitong correction officers kung paano nila isinagawa ang kanilang “strip search”, kung nilabag ba nila ang protocol sa pagsasagawa ng strip search na ipinatutupad ng bureau.

Samantala, ipinakita ni correction senior inspector Abel Ciruela, Camp Commander ng New Bilibid Prison Maximum Security Camp sa walkthrough nitong Martes sa mga mamamahayag kung paano nagsasagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng BuCor sa mga bisita ng PDL.

Sinabi ni Ciruela na ang strip cavity searches ay ginagawa sa lahat ng mga bisita mula noong 2018, ngunit dahil sa rami ng mga kontrabando na nakumpiska sa loob ng kampo at ang mga bisitang nahuling nagtangkang magpuslit ng mga kontrabando, ang strip cavity search ay naging mandatory.

Ipinunto ni Ciruela na ang mga bisita ng PDL ay binibigyan ng waiver ng karapatan sa frisk/pat, rub, strip at/o visual cavity search at ang mga hindi boluntaryong nagsumite ng kanilang sarili upang sumailalim sa strip ca­vity search ay maaa­ring makuha ng BuCor’s E-Dalaw o online na pagbisita.

Katwiran ni Catapang ang strip search na ipinapatupad ng kanyang mga tauhan, dahil kailangang upang maiwasan ang pagpuslit ng mga kontrabando, at sa kawalan ng mga body scanner ay manu-mano ang gamit na proseso pansamantala.

“…we have to be very cautious to prevent the smuggling of contraband into our facilities. In the absence of body scanners, we have to do it manual­ly. In the meantime that we are looking for budget to avail this very sophisticated machine for security screening purposes and to do away with physically removing the person’s clothes or making any physical contact,” ani Catapang.

Kasabay nito inutos ni Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang masu­sing imbestiga­syon sa isyu ng ‘strip search’ sa NBP gayundin pag­repaso sa sanctions na maaaring ipataw sa mga nagkasalang opisyal.

Ayon kay Remulla hindi nila itu-tole­rate ang mga prison guards sakaling mapatunayang guilty sa pag-abuso sa kanilang awtoridad kaugnay nang pagsasagawa ng physical searches.

NEW BILIBID PRISON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with