3 nalambat sa Oplan Galugad sa Las Piñas

MANILA, Philippines — Nalambat ng mga tauhan ng Las Piñas City Police Station ang tatlo katao matapos na matukoy sa iligal na pagdadala ng baril at iligal na droga sa ikinasang Oplan Galugad, Las Piñas City nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas ”Abdul”, residente ng Parañaque, alyas “Rick” ng Pasay, at alyas “Migs” ng Las Piñas.

Sa ulat, dakong alas- 2:20 ng mada­ling araw ng Mayo 7 nang mati­yempuhan ang mga suspek na nakatambay sa Malunggay Street, corner Hilahis, Barangay BF International CAA.

Sa nasabing operasyon, nakuha mula sa mga suspek ang .36 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng tinata­yang ­P2,448.00, isang sumpak o ­impro­­­vised shotgun, at isang 9mm Jennings pistol na kargado ang magazine ng apat na live ammunition.

Nahaharap sila sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Show comments