^

Metro

Magkasintahan niratrat ng tandem, sugatan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Quezon City Police District (QCPD) sa naganap na pamama­ril ng riding-in-tandem sa magkasintahan na naglalakad lang sa isang lugar sa Quezon City, kahapon ng mada­ling araw sa Quezon City.

Inoobserbahan sa ospital ang mga biktima na sina Gerald Francis Fabie Jaime, 33, binata, residente ng No. 039 Sitio Ulahan, Santiago, Baras, Rizal, at Dame Camille De Vila Santos-Cruz, 32, dalaga, ng No. 7A Schillin St., CBE Townhomes, Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon sa report ni PCpl Marlon Ace Yalo, ng Eastwood City-Libis Police Station 12 ng Que­zon City Police District (QCPD), ala-1:50 ng madaling araw (May 1), nang maganap ang pamamaril sa Temple Drive Ave., Brgy. Ugong Norte, sa lungsod.

Naglalakad ang mga biktima nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na lulan ng isang motorsiklo na hindi naplakahan.

Sunud-sunod na putok na ang umalingaw­ngaw na ikinasugat ng mga biktima.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng tumakas na mga salarin.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with